Hindi ko alam kung kailan ko siya na diskubre. Siguro iyong mga panahong naghahanap ako ng isang saint na makakatulong sa akin. O para maging kaibigan ko. Sa edad niyang 24 years old lamang, nang mabasa ko ang kanyang kwentong buhay, nagkaroon ako ng inspirasyon na gawin din ang mga ginawa niya sa mahihirap, kahit pa simpleng pagbigay lang ng barya sa mga taong kalye. Ang sobrang pagmamahal niya sa Eukaristiya, ang pagiging masunuring anak, ang pagiging down to earth sa kabila ng kanyang estado sa buhay, ang pagkakaroon ng pagmalasakit sa kapwa. Palagi akong humihingi ng tulong at panalangin sa kanya. At alam kong siya'y kaibigan na maasahan ko. Si Blessed Pier Giorgio Frassati ang napapanahong tutularang santo ng kapwa ko kabataan sa mundo. Kaya sa panawagang ito kay Papa Francisco, nawa'y makarating sa kanya ang hinaing ng kapwa ko kabataan. Kapag na iproklama na siyang santo, naniniwala akong, mas darami ang mga kabataan mapapalapit kay Hesus at sa kanyang mahal na Inang Maria, dahil ang mga intercessory prayers ni BI. Pier Giorgio ang magbibigay ng lakas ng loob sa mga kabataan dahil alam nilang naiintindihan sila ni BI. Pier Giorgio at nakaka-relate siya sa mga pinagdadaan nila sa kanilang mga buhay. Bl. Pier Giorgio, ipanalangin mo kami!